Hulog Ang bangkay ng biktima na babaeng nahulog mula sa ika-10 palapag na gusali sa DLSU sa Malate, Maynila.

Nahulog mula sa 10th floor, dumiretso sa langit

Jon-jon Reyes Aug 13, 2026
50 Views

Hulog1PATAY ang 18-anyos na babaeng estudyante matapos mahulog mula sa ika-10 palapag ng Enrique Razon sports complex building sa Noli Agno St. at F. Reyes St, Brgy. 708, Malate, Maynila noong Huwebes.

Nakilala ang biktima na si alyas QM.

Ayon sa report, bandang alas-1:35 ng hapon ng maiulat ang insidente kaya rumesponde sina PSSg Glenn Campana at PSSg Jobert Castro.

Lumapit ang isang tao at iniulat na may taong nasa gilid ng ika-10 palapag ng nasabing gusali.

Sinuri ng mga saksi ang nasabing lugar at habang nagasusuri, nakita nila ang biktima na nakadapa sa gilid ng gusali.

Pagkatapos nito, gumulong ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkahulog sa lupa.

Idineklara siyang patay ng sumuring doktor.

Inendorso sa MPD Homicide Section sa ilalim ni Police Major Dave Garcia ang insidente.