Calendar
SWAK sa selda ang dalawang suspek na tulak matapos sa kanila ang mahigit 525 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.57 milyon.
P3.57M shabu nasamsam sa 2 suspek na tulak
SWAK sa rehas ang babae at lalaki na nasamsaman ng mahigit 525 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.57 million sa Maria Cristina St., Brgy. 455, Zone 45, Sampaloc, Maynila noong Biyernes.
Nakilala ang mga suspek na sina alyas Bidang, 68; at Beng, 53.
Ayon sa report ni PMaj. Gil John Lobaton, chief ng Drugs Enforcement Unit, kay MPD chief PBGen. Arnold Santiago, bandang alas-3:20 ng madaling araw ikinasa ang buybust laban sa dalawang hinihinalang tulak.
Sa imbestigasyon ni PSSg Mandy Dela Rosa, kasama ang mga tauhan ng Manila Police District Drug Enforcement Unit (MPD-DEU) sa pamumuno ni Lobaton, nakumpiska ang limang plastic sachets na may lamang 525 na gramo ng shabu ng shabu sa 2.
Sinubukan ng dalawang suspek na tumakas sa pamamagitan ng pagtalon mula sa 2nd floor ng kanilang bahay kaya nagtamo ng mga pinsala sa binti at hindi makatayo.
Dinala sa ospital si Bidang sa ospital para sa medikal na atensyon habang si Beng nakadetine sa custodial facility ng MPD-DEU at kakasuhan ng paglabag sa RA 9165.

