Sunog Ang mga biktima habang isinusugod sa pinakamalapit na pagamutan kung saan ideneklara silang patay. JONJON C. REYES

Faulty wiring tinitingnan sa killer sunog sa Sampaloc

Jon-jon Reyes Aug 15, 2026
35 Views

Sunog1Sunog2HINDI na umabot ng buhay ang isang 78-anyos na lola at ang 48-anyos na kasambahay nito matapos sumiklab ang sunog mula sa ikalawang palapag ng bahay sa Don Quijote St., Bgy. 480, Sampaloc, Maynila, Sabado ng madaling araw,.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nakatanggap sila ng tawag bandang alas-12:58 ng madaling-araw.at agad rumesponde ang mga pamatay sunog.

Itinaas sa unang alarma ang sunog bandang 1:02 ng madaling araw, idineklarang fire under control pasado 1:23, at tuluyang naapula bandang 1:32 ng nasabing araw.

Base sa salaysay ni Barangay Chairman Carlito Cabunot, posibleng nag-ugat ang sunog sa “faulty electrical wiring sa l bahay ng mga biktima.

Agad nagtungo ang mga tanod bitbit ang mga fire extinguisher subalit hirap silang makapasok dahil sa makapal ang usok at may iron grills ang mga bintana.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila na may humihingi ng tulong mula sa loob ng bahay ng mga biktima bago lumaki at kumapal ang usok at apoy.

Nakahandusay at walang malay ang dalawang biktima nang matagpuan ng mga pamatay sa ground floor ng nasabing bahay.

Idineklarang dead on arrival ang mga biktima sa ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP para matukoy ang eksaktong sanhi at kabuuang halaga ng pinsala.