MPD Ang ilan sa mga lugar na sa Maynila na lubog sa baha. JONJON C. REYES

Maynila nalubog dahil sa bagsik ng habagat

Jon-jon Reyes Aug 17, 2026
151 Views

MPD1MPD2MPD3MPD4MPD5MPD6MPD7MPD8MPD9

MPD10
Ang ilan sa mga lugar na sa Maynila na lubog sa baha. JONJON C. REYES

NALUBOG sa baha ang halos lahat ng lugar sa anim na distrito ng Lungsod ng Maynila dahil sa ilang oras na buhos ng malakas ng ulan dulot ng habagat.

Itinaas sa Red Alert Status ang siyudad ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Lunes ng haspo

Nasa ilalim rin ng Red Rainfall Warning ang siyudad.

Tuloy tuloy ang flood warning advisoryng Manila City DRRM Department. Nitong Lunes ay di na madaanan ang kahabaan ng R. Papa malapit sa istasyon ng LRT sa Sta Cruz, dahil sa lampas-tuhod ang lalim ng baha

Agad ipinag-utos ni Mayor Isko ang libreng sakay sa mga naistranded na mga pasahero at iba pang mga mananakay.

Dali-dali itong ipinatupad ng pamunuan ng Manila City DRRM Department, Manila Police District at DMFB sa iba’t ibang bahagi ng Maynila.

Samantala, patuloy pa rin ang CCTV monitoring ng baha sa iba’t ibang parte ng lungsod.