Calendar
Atienza nasa top 10 VMs ng Pinas
ITINANGHAL na isa sa 10 Outstanding Vice Mayors sa Pilipinas si Chi Atienza ng Manila sa Gawad Pilipino Awards sa AFP Commissioned Officers Club House sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Ang parangal ang kumikilala sa mga lokal na presiding officers at mambabatas na nakapagpamalas ng pamumuno, paglikha ng batas sa nagmumula sa komunidad at maagap na paglilingkod sa bayan.
Kinilala rin na mahusay na konsehal si 4th District Councilor Eunice Ann Denice Castro.
Sinabi ni Atienza na iniaalay niya ang natanggap na pagkilala sa kanyang kapwa Manileño.
“Maraming, maraming salamat po sa Gawad Pilipino Awards sa pagkilalang ito bilang 3rd Outstanding Vice Mayor in the Philippines,” sabi ng bise alkalde.
“Kasama ko ang buong pamahalaan ng Maynila, ang City Council at si Mayor Isko Moreno Domagoso,” dagdag pa niya.

