LP

400 katao sa LP nakakuha ng libreng medical service

Edd Reyes Aug 27, 2026
34 Views

HALOS 400 na taga-Las Piñas ang nakatanggap ng libreng serbisyong-medikal sa Health and Wellness Caravan sa Casimiro townhomes covered court sa Brgy Daniel Fajardo, Las Pinas.

Ayon kay Mayor April Aguilar, humigit-kumulang sa 1,400 health and wellness services ang kanilang naihatid sa mga residente.

Kabilang sa mga naibigay ang libreng medikal at dental consultations, blood sugar at cholesterol testing, chest X-ray, ECG, nutrition counseling, NCD risk assessment, PhilHealth First Patient Encounter, Green Card assistance at libreng gamot.

Naghatid din ang caravan ng libreng gupit sa mga babae at lalaki at massage therapy..

Tiniyak ng alkalde na ilalapit nila ang mga serbisyong medikal sa bawat barangay upang mas maraming Las Piñero ang magkaroon ng madaling access sa preventive care, screening at iba pang pangunahing serbisyong pangkalusugan.