Startup QC Student Day pumili ng 3 winners

Jun I Legaspi Sep 4, 2026
156 Views

TATLONG teams ang kinilalang pinakamahusay sa kanilang initiative sa mahigit 150 entries sa contest sa Startup QC Student Competition Year 3 noong Sept. 3.

Nanalo ang mga kabataang innovator na nagpanukala ng solusyon laban sa basura sa daluyan ng tubig, pagpapahusay ng urban farming at pangangalaga sa kalusugan ng manok ang nanguna sa contest.

Tinanghal na grand champion at tumanggap ng P100,000 para sa kanilang solar-powered waste collection at waterway monitoring system ang nanalo.

Pinagsasama nito ang automated collection at Internet of Things-enabled monitoring upang tugunan ang problema ng lumulutang na basura sa mga daluyan ng tubig.

Nakamit ang ikalawang pwesto at tumanggap ng P75,000 para sa kanilang compact feed mixer at cutter na dinisenyo upang mapabuti ang proseso ng pagpapakain at maiwasan ang pagbabara ng hilaw na materyales ang isa pang nanalo.

Ang ikatlong puwesto at tumanggap ng P50,000 para sa kanilang AI- at IoT-enabled monitoring system na naglalayong palakasin ang biosecurity ng poultry farms.

Dinisenyo ito upang matukoy ang wet litter at masubaybayan ang ammonia levels—mga kritikal na salik sa kalusugan at survival rate ng mga manok.

Mula sa 153 team applications, 92 ang nakapasok sa mentorship stage kung saan natutunan ng mga estudyante ang design thinking, market segmentation, basic financial management, pitching, intellectual property laws, at technology business incubation.

Bukod sa tatlong pangunahing nagwagi, 11 teams ang tumanggap ng Silver Awards (P25,000 bawat isa) at 33 teams ang tumanggap ng Bronze Awards (P15,000 bawat isa).

Sa kabuuan, 47 teams ang nakatanggap ng P995,000 cash prize upang pondohan ang kanilang mga panukalang solusyon.

Ayon kay QC LEDIPO Head Jay Gatmaitan: “Ang nakita natin sa Pitch Day ay bunga ng pagsisikap, pagkatuto, at mentorship na nakuha ng mga kalahok.”