Calendar
Pababang puntos ng Senado babawiin sa malinis na ’27 budget–Ejercito
NANINIWALA si Sen. JV Ejercito na babalik ang tiwala ng mamamayan sa Senado sa pamamagitan ng mas malinis at maayos na paghimay sa P7.2 trillion national budget para sa 2027.
Ibinigay ni Ejercito ang pahayag matapos lumabas sa survey ng OCTA Research na bumaba sa 41 porsyento ang trust rating ng taong bayan sa Senado mula sa dating 44 porsyento noong Marso.
Umakyat naman sa 27 porsyento ang mga nagsabing hindi sila nagtitiwala sa Senado.
Ayon kay Ejercito, nabahala siya sa unti-unting pagbaba ng tingin ng publiko sa Senado kumpara sa Kamara de Representantes na umakyat sa 38 porsyento.
“It’s the first time in history that the Senate’s trust ratings are lower than the House,” paliwanag ni Ejercito.
Ipinagbawal na nila ang pagbibigay ng confidential funds o perang walang malinaw na resibo sa mga ordinaryong ahensya ng gobyerno.
“To avoid controversies, we will not give (confidential funds) to civilian agencies,” giit ng senador.
Inatasan din ng komite ang mga kagawaran na ilatag ang bawat sentimo ng kanilang mga proyekto bago aprubahan ang pondo upang masigurong mapupunta ito sa mga tunay na kalsada, ospital at tulay at hindi sa bulsa o bank account ng kung sinu-sino.

