Just In

Calendar

September 2026
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Shabu

P646K na shabu nasamsam sa HVI

22 Views

Shabu1

BATANGAS CITY — Laglag sa kamay ng mga awtoridad ang isang itinuturing na High-Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng 95 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P646,000 noong Miterkules sa Brgy. Sta. Clara sa lungsod na ito.

Okinasa ng City Drug Enforcement Team ng Batangas Component City Police Station sa pangunguna ni PLt. Col. Ira Morello ang operasyon katuwang at nasalikop ang suspek na si alyas Bagaong matapos maaktuhang nagbebenta ng ilegal na droga.

Nakuha sa suspek ang 12 plastic sachets ng hinihinalang shabu, isang pouch at marked money.

Naging transparent ang operasyon matapos itong kuhanan ng video gamit ang dalawang Body-Worn Cameras (BWC).

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Batangas City Police Station ang suspek habang minamadali na ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa Batangas City Prosecutor’s Office.

Sasabak siya sa patong-patong na reklamong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.