Calendar
P960M smuggled na yosi kumpiskado sa Bataan
LIMAY, Bataan–Timbog sa mga pulis noong Huwebes ang pinaniniwalaang sindikato na nagtangkang magpuslit ng mga trucks na puno ng smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P960 milyon.
Ayon kay Maj. Jimmy Albert Decin, hepe ng pulis sa Limay, dalawang truck na puno ng smuggled cigarettes ang nagtangkang magtago ngunit nasabat ng Limay police sa Roman highway sa Brgy. Alangan at Lamao noong Lunes.
“Iluwas siguro nila tng mga smuggled cigarettes pero nung malaman ng sindikato na may mga nahuli silang kasamahan sa Abucay at Pampanga ay bumalik sila rito sa Bataan upang itago ang mga ito pero nahuli namin matapos kaming mag checkpoint,” ani Major Decin.
Sinabi ni Central Luzon police na 15 trailer trucks na may iba’t-ibang brands ng smuggled cigarettes, ang nahuli sa Bataan at Pampanga noong Lunes ng gabi.
Pito ang nahuli sa Abucay, isa sa Orion at lima sa Lubao, Pampanga.
Nauna nito, 759 master cases ng suspected smuggled na sigarilyo sakay ng Isuzu GIGA wing van ang nahuli sa Mabalacat City, Pampanga, noong September 7.
Wala pang iniuulat si B/Gen. Jess Mendez, Central Luzon PNP director, kung sino ang nasa likod ng smuggling na ito.
