Vic Reyes

Kampanya vs smuggling kailangan ng teamwork

Vic Reyes Sep 30, 2026
181 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mambabasa, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa bansang Japan, Oman, Saudi Arabia, at ibang panig ng daigdig.

Binabati natin sina Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Roana San Jose, Endo Yumi, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at syempre ang nagmamalasakit sa mga kababayan nating Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama ng Oman; Dolores Montero ng Saudi Arabia.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan,

God Bless sa inyong lahat!

***

Dapat ay kabahan na ang mga tao at grupong nasa likod ng agricultural smuggling, hoarding, profiteering at cartelization.

Ang mga illegal na gawaing ito ang nagpapahirap sa milyun-milyon nating magsasaka, mangingisda at consumers sa buong bansa.

Sa tingin natin, ay malapit na ang wakas ng kanilang mga illegal na gawain.

Ang Bureau of Customs (BOC), Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ay nagsanib-puwersa na para wakasan ang mga problemang ito.

Sa katunayan ay lumagda na sila ng isang Tripartite Memorandum of Agreement (TMOA) na naglalayong patindihin pa ang kampanya laban sa agricultural smuggling.

Ang mga lumagda ay sina Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, Justice Secretary Frederick A. Vida at NBI Director Melvin A. Matibag.

Dumalo din sa signing ng TMOA si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Sa nasabing okasyon ay ipinangako ni Remulla ang kanyang suporta sa partnership nina Nepomuceno, Vida at Matibag.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na “agricultural smuggling, hoarding, profiteering and cartelization undermine legitimate businesses, disadvantage local farmers and fisherfolk and disrupt the country’s food supply chain.”

Sa ilalim ng TMOA, magtutulungan ang tatlong ahensya para paigtingin ang kampanya laban sa agricultural smuggling, profiteering, hoarding at cartelization.

Isang Technical Working Group (RWG) ang bubuin para gumawa ng coordination guidelines, referral mechanisms at information-sharing protocols.

“The partnership will strengthen the government’s fight against agricultural smuggling by bringing together the enforcement, investigative and legal expertise of the BOC, DOJ and NBI,” ayon kay Commissioner Nepomuceno.

Dagdag pa ni Nepomuceno, kailangan ng BOC, DOJ at NBI “ang teamwork.”

Alam naman ng lahat na hindi madali ang paglaban sa ismagling dahil ma-impluwensiya ang mga taong sangkot dito.

Pera ang pinagagalaw ng mga ismagler!

***

Mahirap ng malusutan ang mga otoridad sa Port of NAIA sa Pasay City ang mga kontrabandong nakatago sa mga air parcel.

Pinatunayan na naman ito ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang BOC-NAIA ay pinamumunuan ni District Collector Maria Yasmin M. Obillos-Mapa.

Ang parcel na naglalaman ng 743 gramong ecstasy, na nagkakahalaga ng P3.15 milyon, ay nakita sa Central Mail Exchange Center (CMEC).

Nakita ng mga otoridad ang illegal na droga sa sa containers nang idaan ito sa scanner na idineklarang naglalaman ng whey protein.

Ang claimant na hindi pinangalanan ng BOC ay inaresto at ibinigay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang law enforcement arm ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Kasama din sa operation ang ESS-CAIDTF, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, CIIS, at XIP.

Sinabi ni Collector Mapa “that concealment methods continue to evolve and require Customs personnel to remain alert.”

Ayon naman kay Commissioner Ariel F. Nepomuceno ay mananatiling determinado to intercept illegal drugs but also to hit hard at individuals who are behind these shipments.

***

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)