Abalos DILG Secretary Benhur Abalos Jr.

Abalos nagpasalamat kay PBBM

Jun I Legaspi Sep 28, 2024
21 Views

Sa pagkakasama sa admin senatorial slate

NAGPASALAMAT si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa tiwala at kumpiyansa na ipinagkaloob sa kanya upang maging bahagi ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas 2025 senatorial slate.

“Ang nakalipas na dalawang taon isa sa mga pinakamalaking karangalan ng aking buhay, ang magsilbi sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. bilang kalihim ng DILG.

Ang susunod na kabanata magiging isang mahalagang yugto para sa ating bansa, at kailangan ng Pangulo ang ating suporta.

Sa panawagan upang tumulong at magkaisa, buo ang aking puso sa panawagan ng pagtutulungan at pagkakaisa. Magtulungan tayo para sa ikabubuti ng ating bansa.

Kaya’t buong kababaang-loob kong tinatanggap ang hamon na ipagpatuloy ang legislative agenda ng Pangulo na nakaangkla sa pag-angat ng ating bansa at sa pagpapabuti ng buhay ng bawat Juan dela Cruz,” sabi ni Abalos.