Calendar
Abante nangakong tutulong kay Speaker Romualdez na maipasa PBBM priority measures
IPINANGAKO ngayon ng isang Metro Manila solon na tutulong siya kay House Speaker Ferdinand “Martin” G. Romualdez at sa liderato ng Kamara de Representantes para maipasa ang mga “priority measures” na inilatag ni ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kabilang na dito ang pagpasa ng 2023 National budget.
Sinabi ni House Deputy Majority Leader at Manila 6th Dist. Rep. Bienvenido “Benny” Abante, Jr. na tulad ng paniniwala ng mga “economic managers” ng pamahalaan, ganoon din aniya ang kanilang paniniwala kaugnay sa paglalaan ng malaking pondo para sa mga proyektong pina-plano ni Pangulong Marcos.
“Like our economic managers, we also recognizes that all of his proposed projects and reforms will need funding and this will require government to tighten its belt where it can also channel financial resources where they re needed and can be maximized,” sabi nito.
Kabilang sa mga inilatag na “priority measures” ni Pangulong Marcos sa kaniyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ay ang National Government Rightsizing Program (NGRP).
Ipinaliwanag ni Abante na bago pa man maipasa ng Mababang Kapulungan ang NGRP, makikipagtulungan aniya sila sa Executive Branch upang maiwasan ang pagka-antala o masayang ang kanilang panahon at oras [ara hindi rin masayang pampublikong pondo.
“Bago pa man ipasa itong proposed NGRP, we will work with the Executive Branch to avoid waste and to ensure that public funds will be maximized to the fullest,” sabi pa ni Abante.