Abante

Abante: Pagkamatay ng police trainee imbestigahan

Mar Rodriguez Aug 16, 2022
241 Views

IGINIGIIT ngayon ng isang Metro Manila congressman sa Department of Interior and Local Government (DILG) na magsagawa ito ng isang masusing imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagkamatay ng isang “poloce trainee” sa diumano’y “hazing”.

Sa kaniyang “privilege speech” sa Plenaryo ng Kamara de Representantes mariing kinondina ni House Deputy Majority Leader at Manila 4th Dist. Rep. Bienvenido “Benny” Abante ang pagkamatay ng 32 anyos na “police trainee” na si Patrolman Jaycee de Guzman Ramorez, nakatakaga sa 503rd Maneuver Company, 5th Regional Mobile Force Battalion sa San Jacinto Masbate.

Binigyang diin ni Abante na sa kabila ng umiiral na batas laban sa “hazing” ay patuloy pa rin umanong nangyayari ang masamang gawaing ito na tinawag nitong “pernicious practice” dahil sa walang katuturang pagkitil sa buhay ng mga sumasailalim sa pagsasanay.

Ipinaliwanag pa ni Abante na ipinasa na ng Kongreso ang Republic Act No. 8049 o ang “Anti-Hazing Law of 1994” at inamiyendahan naman ang nasabing batas sa ilalim ng RA No. 11053. Subalit sa kabila nito ay patuloy pa rin ang mga kaso ng “hazing” sa bansa.

“The people that did this is likened to what the book of Proverbs said: For they eat bread wickedness and drink wine of violence,” sabi ni Abante patungkol sa panibagong kaso ng “hazing”.

Binanggit din ni Abante na kinasuhan na ng Philippine National Police (PNP) Regional Office sa Bicol noong nakaraang Agosto 4 ang 21 police officers na sangkot na hazing.