Magsino

Achievements ng OFW Party List inilatag

Mar Rodriguez May 31, 2023
261 Views

SA pagtatapos ng sesyon ng Kamara de Representantes. Ibinida ng One Filipinos Worldwide (OFW) Party List Group ang mga naging achievements nito sa nakalipas na 1st Regular Session ng Kongreso sa pamamagitan ng mga isinulong nitong panukalang batas para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Nabatid kay OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na tatlong-put-anim (36) na panukalang batas ang inihain nito sa Kamara de Representantes, lima ang kaniyang naging privilege speech at nagsagawa ng limang “policy dialogues” sa mga ahensiya ng pamahalaan at ilang lider ng private sector.

Sinabi ni Magsino na kabilang sa mga mahahalagang panukalang panukalang batas na inihain nito ay ang Magna Carta for Seafarers, Anti-Illegal Recruitment Act of 2023, Overseas Voting Act of 2023 at iba pa.

Ayon kay Magsino, bukod sa mga isinulong nitong panukala. Tinutukan din aniya ng OFW Party List ang imbestigasyon kaugnay sa bilateral labor agreements patungkol sa kalunos-lunos na kalagayan ng mga OFWs na dumaranas ng iba’t-ibang pang-aabuso o maltreatment sa pinapasukan nilang trabaho.

Idinagdag pa ni Magsino na inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kongreso ang Magna Carta for Seafarers. Kasabay nito ang naging desisyon naman ng European Commission na ipagpapatuloy nila ang pagkilala sa Philippine issued Certificate para sa mga seafarers.

Ibinida din ni Magsino ang mga inilunsad na proyekto ng OFW Party List sa pamamagitan ng medical assistance, livelihood assistance at welfare assistance para sa mga Pilipinong manggagawa. Bukjod dito, pinangasiwaan din ng kongresista ang repatriation ngh 83 OFWs mula sa ibat-ibang panig ng mundo.

“This includes the repatriation of thirty-five (35) fisherfolks from Namibia who were victims of human trafficking and the medical repatriation of a terminally-ill OFW from Bahrain. This year, we also partnered with the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) and launched the Pambansang Pabahay para sa mga OFWs, a sub-program of the Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) of the national government. To date, the OFW Party List has received ten thousand (10,000) applications for the housing program for OFWs,” sabi ni Magsino.