Acidre

Acidre nabahala sa ipinamimigay umanong ‘hush money’ ni VP Sara sa DepEd execs

106 Views

LABIS na nababahala si Tingog Partylist Representative Jude Acidre sa alegasyon na namimigay ng ‘hush money’ o suhol si Vice Presidente Sara Duterte sa mga opisyal ng Department of Education (DepEd) noong siya pa ang namumuno sa ahensya.

Ang pahayag ni Acidre ay nag-ugat sa isiniwalat ng dating Education Undersecretary na si Gloria Mercado sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

“Nakatanggap siya ng sobreng may laman na pera regularly. I’m actually disturbed, kasi kung sinabi ni Undersecretary Gloria Mercado na meron pang isang nakatanggap at malamang meron pang ibang nakatanggap, I could only just imagine if this was done in regular intervals, say monthly, I could just imagine the total amount needed to sustain it over a year,” ani Acidre.

Sinabi ni Mercado na pinadadalhan siya ng envelope kada buwan mula ng maging head of Procuring Entity (HoPE). Naglalaman ito ng P50,000.

Ani Mercado, hindi niya binuksan ang naturang envelope habang nasa DepEd. Binuksan umano niya ang mga sobre ng magretiro na at ibinigay ito sa isang non-governmental organization.

Sinabi ni Mercado na matapos nitong igiit na dapat sundin ang procurement law sa bidding ng DepEd Computerization Program ay sinabihan siya na mag-resign. Siya ay nagretiro na lamang noong Oktubre ng nakaraang administrasyon.

Inakusahan naman ng Bise Presidente si Mercado na nanghingi ng P16 milyong donasyon mula sa pribadong sektor nang hindi niya alam kaya ito pinagbitiw.

Pero buwelta ni Mercado, ang P16 milhon na hiningi nito ay para sa DepEd Guru app at iba pang technological improvement.

Sabi pa ni Mercado na may iba pang mga undersecretary na nakatanggap ng pera mula sa Bise Presidente. Tinawag naman ng pangalawang pangulo si Mercado na “disgruntled former employee,” na hindi matanggap na sinibak siya sa Department of Education (DepEd).

“At P50,000 each, sabihin na lang natin may bente, may singkwenta, tapos merong 12 months and may Christmas pa raw,” paglalahad ni Acidre. “This is quite disturbing for this particular practice, even a small whiff of this happening in one of the departments that we hold in high regard.”

Sa naturang hearing, inusisa ni Mercado kung paano sitwasyon ng trabaho sa ilalim ng liderato ni VP Duterte paratikular sa kung paano pinipili ni ang mga opisyal. Tugon ni Mercado, bagamat noong una ay mga “best and the brightest,” ang kinukuha, nagkaroon ng takot at pagsunod sa ilalim ng kaniyang pamamahala.

Nang matanong naman ni Rep. Acidre kung ang mga pagbibitiw sa departamento ay maituturing na dimissal, sinabi ni Mercado : “Yes, because they (the resignees) didn’t want to but they had to.”

Naalarma naman ang mambabatas sa alegasyon lalo na at dapat aniya ay malayo sa impluwensya ng korapsyon ang edukasyon dahil may direkta itong epekto sa kinabukasan ng kabataan.

Kinuwestyon din niya ang pagsisante ng mga opisyal na tumututol o hindi kasundo ng noo’y kalihim lalo na at may epekto rin ito sa staff mga naturang mga opisyal na ‘nagbitiw’. Natuklasan din na hindi nagsagawa ng exit calls para sa kanila ang dating kalihim..

Tanong ni Acidre kay Mercado: ”Right there and then, they (resigned officials) will lose their income. Their staff will lose all their benefits and salaries, and they will be left in the cold, left in the dark?”

Para sa mambabatas ipinapakita nito ang kawalan ng pagiging patas at transparency sa pamamahala ng bise presidente na nauwi sa pagkawala ng mga magagaling na serbisyo publiko dahil sa pinaalis nang walang sapat na rason.

Nanawagan muli ang Tingog solon para sa malalim at patas na imbestigasyon sa naturang alegasyon upang mapanagot ang mga sangkot sa anomalya.

“This isn’t just about the allegations against one official—it’s about ensuring that DepEd, and all government departments, operate with integrity, transparency, and accountability,” aniya. “The arbitrary firing of qualified individuals could erode trust within the department, which could lead to a brain drain of experienced professionals.

How do we expect DepEd to function effectively if people fear for their jobs every time they voice legitimate concerns?”