Acidre sa paggunita ng Balangiga Encounter Day: Bawat Pilipino pwedeng maging bayani

88 Views

SA pagdiriwang ng Balangiga Encounter Day sa Eastern Samar noong Sabado, kinilala ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang katapangan at sakripisyo ng mga Pilipino na lumaban para sa kalayaan noong 1901.

Sa kanyang talumpati, iginiit Acidre ang kahalagahan ng kabayanihan na ipinakita ng mga Pilipino sa paglaban sa tinaguriang Balangiga Encounter.

“This day, we remember the courage, sacrifice, and indomitable spirit of our forefathers who fought for the freedom and dignity of our people. They were not mere footnotes in history, but ordinary men and women who rose to extraordinary heights, inspiring generations after them,” ani Acidre.

Noong 2018, naibalik na sa bansa ang Balangiga bells na nagsilbing simbolo ng katatagan ng mga Pilipino.

Binigyan-diin ni Acidre ang kahalagahan na matuto sa nakaraan at gamitin ang aral na hatid ng kabayanihan sa kasalukuyan.

“In today’s world, being a hero means standing up against poverty, corruption, social inequality, and environmental destruction. It is about ensuring that the freedoms and rights our forefathers fought for are enjoyed by all Filipinos,” sabi ng solon.

Iginiit din ng mambabatas ang kahalagahan ng liderrato sa bawat Pilipino at hindi lamang sa mga may hawak ng kapangyarihang pampulitika.

“Leadership begins with you and me, in our homes, workplaces, and communities. By leading by example, we can build a brighter future where every Filipino can thrive,” sabi pa nito

“Heroism is not just defined by grand acts but by sincere actions that contribute to the betterment of our country. The bells of Balangiga have rung once again, reminding us to continue the fight for justice, dignity, and freedom for all,” dagdag pa ni Acidre.

Ayon sa mambabatas ang pagdiriwang ngayong taon ay isang paalala sa bawat Pilipino na yakapin ang pamana ng mga bayani ng Balangiga sa pamamagitan ng pagiging bayani sa kani-kanilang paraan.