Asakawa

ADB magpapahiram ng $4B sa PH ngayong taon

167 Views

AABOT umano sa $4 bilyon ang ipahihiram ng Asian Development Bank (ADB) sa Pilipinas ngayong taon para masuportahan ang socio-economic agenda at iba pang infrastructure development program ng gobyerno ngayong taon.

“This 2023 alone, we expect to provide up to US$4 billion to support the government’s Socio-Economic Agenda and the Build Better More infrastructure development program,” sabi ni ADB President Masatsugu Asakawa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“This includes preparation of several transformative projects such as the Bataan-Cavite Interlink Bridge Project, the Davao Public Transport Modernization Project, and the Integrated Floor Resilience and Adaptation Project,” dagdag pa nito.

Mula 2018 hanggang 2022, sinabi ni Masatsugu na umabot sa $12.7 bilyon ang naipautang ng ADB sa Pilipinas.

Sinabi ni Masatsugu na handa ang ADB na tulungan ang Pilipinas upang makagawa ng mga hakbang para matugunan ang epekto ng climate change.