Roxas

PH may sapat na suplay ng sibuyas

124 Views

MAYROON umanong suplay ng sibuyas ang bansa na tatagal ng ilang buwan ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI).

Ayon kay BPI spokesperson Jose Diego Roxas ang suplay ng pulang sibuyas ay tatagal ng hanggang Nobyembre samantalang ang puting sibuyas ay hanggang Setyembre tatagal.

Kung kakailanganin sinabi ni Roxas na maaaring mag-angkat ang bansa upang mapunan ang kakulangan at mapanatili ang presyo nito sa mga pamilihan.

Ang presyo ng sibuyas ngayon ay P180 hanggang P200 kada kilo samantalang ang farm gate price nito ay nasa P120 kada kilo.