Tamayo

Admin wala pang opisyal na senatorial lineup

100 Views

WALANG opisyal na lineup ang administrasyon para sa 2025 senatorial elections.

Ito ang sinabi ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) National President at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. sa gitna ng kumakalat na senatorial lineup ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, na binubuo ng iba’t ibang partido na sumusuporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Nais ko pong linawin sa taong bayan na wala pa pong line up ang administration para sa mga kandidatong Senador,” ani Tamayo.

“Ang nangyari po kagabi ay pinag-submit ang ibat-ibang Partido na sumusuporta sa administration ni Presidente Ferdinand Marcos, Jr. ng kanilang mga kandidato hanggang September 15,” dagdag pa nito. “Kaya ang anumang umiikot na listahan ay walang katotohanan.”

Ayon kay Tamayo ihahayag ng partido ang mga kandidato nito sa pagkasenador matapos itong mapagdesisyunan ng mga kasapi ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Noong Lunes ng gabi ay nagpulong ang mga lider ng iba’t ibang pangunahing partido politikal bilang bahagi ng paghahanda sa 2025 midterm elections.