Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino

Agarang pagpapalikas sa mga OFWs sa Israel ippinagbunyi

Mar Rodriguez Oct 17, 2023
225 Views

IKINAGAGALAK ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang naging hakbang ng Philippine government sa pamamagitan ng agarang pag-repatriate sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nais nang lisanin ang Israel bunsod ng nangyayaring kaguluhan duon dahil sa pag-atake ng mga Hamas militants.

Dahil dito, pinasalamatan ni Magsino si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa ipinakita nitong malasakit para sa mga OFWs na nasa Israel kabilang na ang mga Pilipinong naninirahan sa nasabing bansa para maiiwas sila sa nangyayaring tensiyon sa pagitan ng Hamas militants at mga sundalong Israeli.

Sinabi ni Magsino na tiniyak din ni Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Hans Leo Cacdac na inaayos na ng pamahalaan ang mobilization o repatrition ng dalawang-put-tatlong (23) Pilipino para mailigay sila sa mas mabuting kalagaya.

Ayon kay Magsino, ipinabatid din ni Cacdac sa isinagawang briefing ng House Committee on Overseas Workers na dinaluhan niya na binabalanse na ng gobyerno ang sitwasyon sa gitna ng limitadong operasyon ng Ben Gurion International Airport at kailangan din ng koordinasyon sa mga Israeli authorities bago makalipad pabalik ng Pilipinas ang mga OFWs at mga Pilipinong residente duon.

Kasabay nito, pinapurihan din ng OFW Party List Lady solon si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez matapos itong manawagan sa mga concerned government agencies para sa agarang repatriation at pgpapaikas ng mga OFWs sa Israel na kasalukuyang naiipit sa nangyayaring conflict o matinding sagupaan sa pagitan ng Israel at Hamas.

Pinasalamatan din ni Magsino si Speaker Romualdez dahil sa kabutihan loob nito matapos ang ginawa nitong pamimigay ng P500,000 bilang personal na tulong para sa pamilya ng mga OFWs na nakumpirmang nasawi sa nangyayaring kaguluhan sa Israel.