Salceda

Akusasyon ng DOF laban sa pogo hiniggil sa mga kidnapping binalewala lang ni Cong. Joey Salceda

Mar Rodriguez Oct 21, 2022
224 Views

Salceda: Pag-ugnay ng POGO sa kidnappings mababaw

BINALEWALA lamang ng isang Bicolano congressman ang paratang ng Department of Finance (DOF) laban sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) matapos itong iugnay ng ahensiya sa sunod-sunod na kidnapping na naging dahilan naman para maapektuhan ang foreign direct investments (FDI) ng Pilipinas.

Itinuturing ni Albay 2nd Dist. Cong. Joey Sarte Salceda, Chairperson ng House Committee on Ways and Means, na mababaw ang akusasyon ng DOF laban sa POGO kaugnay sa mga kidnapping incident na itinuturong dahilan kung bakit naapektuhan ang daloy ng FDI.

Ipinaliwanag ni Salceda na may mga ibang kadahilanan kung bakit naapektuhan ang tinatawag na daloy ng FDI sa Pilipinas o “flow of foreign direct investments. Kung saan, inihalimbawa nito ang power cost at ang masamang lagay ng ekonomiya.

Sinabi din ni Salceda na kung ang gagamiting dahilan sa pagpapatigil ng POGO ay ang talamak at sunod-sunod na insidente ng kidnapping sa bansa. Kinakailangan din aniyang sawatain ang iba pang industriya na nagiging dahilan din ng iba’t-ibang illegal na gawain.

“There are far more factors that affect the flow of foreign direct investments. One of which is the ease of doing business and power costs as far significant concerns for potential investors,” ayon kay Salceda.

Binigyang diin ng kongresista na hindi lamang ang POGO ang pinag-uugatan ng iba’t-ibang krimen sapagkat may mga illegal na gawain ang pinagmumulan din ng kriminalidad.

“Will I close all the red light districts because there’s prostitution and other forms of crime happening there’s a higher concentration far higher than the one to 100,000 that is spoken about,” dagdag pa ni Salceda.