Walden bello

Alam ni Walden Bello sa illegal drug trade itinatago sa otoridad

312 Views

MAITUTURING umanong narcopolitician ang vice presidential candidate na si Walden Bello dahil itinatago nito sa otoridad ang kanyang mga nalalaman kaugnay ng bentahan ng iligal na droga sa Davao City.

Ayon sa Hugpong Ng Pagbabago (HNP) isang seryosong alegasyon ang binitiwan ni Bello na ang Davao City umano ang trading center ng iligal na droga sa katimugang bahagi ng bansa at dapat lamang na ito ay imbestigahan.

Batay sa binitiwang pahayag ni Bello, lumalabas umano na mayroon itong alam kaugnay ng bentahan ng ipinagbabawal na gamot pero ayaw nito itong ibigay sa Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police upang matulungan ang drug war ng gobyerno.

“It can be said that Mr. Bello is a narcopolitician in a way that he withheld information crucial in the government’s anti-drug campaign,” sabi ng HNP sa isang pahayag.

Ang pagtatago ng impormasyon ay masasabi rin umano na pagtulong ni Bello sa mga sindikato ng droga at isa siyang banta sa kapayapaan at kaayusan at anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.