Andanar

Alegasyon vs Andanar dapat imbestigahan — FFW

Mar Rodriguez Feb 8, 2024
250 Views

IPINAHAYAG ng Federation of Free Workers (FFW) na puwedeng kasuhan si dating Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar kapag mapatunayan na nakikipag-sabwatan siya sa China para pondohan ang mga anti-Marcos, Jr. vloggers.

Sa panayam ng People’s Taliba, sinabi ni Atty. Sonny Matula, FFW President, na isang seryosong usapin ang alegasyon laban kay Andanar na isiniwalat mismo ng anak ni Presidential Legal Adviser Juan Ponce Enrile na si Cagayan Economic Zone (CEZA) Administrator Katrina Ponce Enrile.

Binigyang diin ni Matula na ang pagbibigay ng pondo sa isang anti-administration vloggers sa ilalim ng pamamahala o direction ng China ay isang malinaw na pakikipag-sabwatan umano sa kalaban ng Pilipinas na maituturing na isang “treason” o tahasang pagtataksil sa bayan.

“The allegatons of Ms. Katrina Enrile is a serious charge. Funding local anti-administration vloggers under the direction of China is an act adhering to the country’s enemies. Giving them aid and confort. That can be considered as treason, if true. This raise serious questions about loyalty to the Republic,” sabi ni Matula.

Dahil dito, iminumungkahi ni Matula sa Kamara de Representantes na magkaroon ng isang msusi o malalim na imbestigasyon patungkol sa alegasyon laban kay Andanar para busisiin ang loyalty nito para sa Pilipinas sa harap na akusayon laban sa kaniya na nakikipag-sabwatan ito sa China.

“These allegations suggest that there may be fellow Filipino citizens who are acting under the influence of foreign entities, specifically referring potential ties to China and engaging activities that undermine the government efforts to serve the interest of our nations,” ayon pa kay Matula.