Sandro

Alyansa ng PFP at Lakas-CMD lalong titibay sa pagsanib ni Rep. Sandro Marcos

126 Views

SA pagsanib ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa Partido Federal ng Pilipinas ay inaasahan na lalo umanong titibay ang alyansa nito sa Lakas-Christian Muslim Democrats na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ito ang sinabi ni Agusan del Norte Rep. Joboy Aquino, secretary general ng Lakas-CMD matapos na manumpa si Rep. Marcos bilang miyembro ng PFP.

“Lakas-CMD and PFP has an inextricable partnership that exemplifies the essence of unity, which became the fundamental force behind our overwhelming victory that essentially reflected the nation’s desire and aspiration for a more stable and stronger Philippines,” sabi ni Aquino.

“The oath-taking of SDML Marcos to the party of our Chief Executive, President Ferdinand Marcos Jr., not only strengthens the political alignment of the two parties, but reaffirms our shared vision for our beloved Philippines,” sabi pa ni Aquino.

Kumpiyansa si Aquino na makakatuwang ng Lakas-CMD ang PFP sa pagsulong ng pag-unlad ng bansa at pagbibigay ng mas maayos na buhay sa mga Pilipino.