Ambush sa Cotabato: Bgy chief buhay, mister patay

Zaida Delos Reyes Sep 16, 2025
382 Views

DALAWA ang patay at dalawa ang nasugatan kabilang ang barangay captain sa pananambang nitong Martes ng umaga sa Cotabato City.

Kabilang sa mga nasawi ang asawa ng barangay captain na si Mike Pusaka at isang driver ng payong-payong na nadamay lamang sa insidente.

Isinugod naman sa pagamutan si Poblacion 5 Chairwoman Pahima Pasawiran Pusaka at anak nito.

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong 10:30 ng umaga sa bahagi ng Jose Lim Street, Barangay Poblacion 5, sa naturang lungsod.

Lulan ang mag-anak ng isang sport utility vehicle nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Agad na isinugod ang mga biktima sa pagamutan kabilang ang driver ng payong-payong subalit hindi na umabot ng buhay ang dalawa.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.