Dolor

Childhood Cancer Awareness Month ipinagdiwang sa Bauan

243 Views

NAKIISA sa paggunita ng Childhood Cancer Awareness Month ngayong September ang Bauan sa pangunguna ni Mayor Wendah Katrina Rivera-Dolor.

Inilaan ang Setyembre upang bigyang-pansin ang kamalayan tungkol sa childhood cancer, isang kondisyon na hindi lamang laban ng mga batang meron nito kundi maging ng kanilang buong pamilya at komunidad.

Layunin ng pagdiriwang na ito na magbigay ng tamang impormasyon at maghatid ng suporta at malasakit sa mga batang may karamdaman.

“Ang bawat batang Bauangeño ay may karapatan sa isang masigla at malusog na kinabukasan.

Bilang nanay, katuwang n’yo ako sa sama-samang pagkilos at iparamdam natin sa kanila na hindi sila nag-iisa sa laban na ito,” sabi ng alkalde.

Patuloy ang Bauan na magsusulong ng serbisyong may puso at malasakit upang maging katuwang ng bawat pamilya sa pagtugon sa mga hamon ng kalusugan, sabi pa ng alkalde.

Bahagi pa rin ito sa pagpapalawig ng adbokasiya ni Mayor Wendah na SHIELD (Shelter-Social Service, Health, Inclusive Education, Employment, Livelihood and Development).