Calendar
Inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago ang isinagawang operation ng NBI-Tarlac District Office sa mga unregistered na vape shop sa Capas, Tarlac.
Vape shops na hao shao nasamsam sa Tarlac
NAKUMPISKA ng National Bureau of Investigation-Tarlac District Office (NBI-TARDO) ang mga hindi rehistradong vape products sa buy-bust noong Huwebes sa Capas at Tarlac City.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nag-ugat ang operasyon mula sa impormasyong nagbebenta ng vaporized nicotine at non-nicotine na mga produkto sa nasabing lalawigan.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta sa pampublikong lugar ng mga naturang produkto, habang nakabinbin ang pagpapalabas ng isang sertipikasyon para sa lehitimong pagbebenta ng mga ito.
Noong Setyembre 11, 2025, isinagawa ang joint buy-bust operation ng NBI-TARDO at DTI OSMV sa tatlong vape shop sa Tarlac City at isa sa Capas, Tarlac.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng limang suspek at ang pagsamsam ng mga produktong vape na may tinatayang halagang P600,000.

