Jimmy Guban

Anak, manugang ni Digong isinabit ni Guban sa kaso ng illegal drugs

Mar Rodriguez Aug 17, 2024
98 Views

Committee๐—œ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—ช๐—œ๐—ง ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด “๐˜€๐˜‚๐—ฟ๐—ฝ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ฒ ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€” ๐—ป๐—ด ๐—ค๐˜‚๐—ฎ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜‚ ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ๐—บ๐˜€ (๐—•๐—ข๐—–) ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—น๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ ๐—๐—ถ๐—บ๐—บ๐˜† ๐—š๐˜‚๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ถ ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ผ๐—ฑ๐—ฟ๐—ถ๐—ด๐—ผ ๐—ฅ๐—ผ๐—ฎ ๐——๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ผ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ถ๐—ธ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐Ÿฒ.๐Ÿด ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด “๐˜€๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚ ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜” ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿญ๐Ÿด ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป.

Sa ginanap na joint hearing ng Quad Committee sa Bacolor, Pampanga na binubuo ng apat na Komite sa Kamara de Representantes. Isinabit ni Guban sina Davao City 1st Dist. Cong. Paolo “Pulong” Duterte at ang bayaw nitong si Atty. Manases “Mans” Carpio, ang asawa ni Vice-President Inday Sara Duterte, sa iba’t-ibang kaso at malawakang shipment ng illegal drugs sa Pilipinas.

Si Guban ang nagmistulang bombang pinasabog ng Quad Committee na kinabibilangan ng House Committee on Dangerous Drugs, House Committee Public Order and Safety, House Committee Human Rights at House Committee on Public Accounts na naglalayong imbestigahan ang mga usapin gaya ng illegal drugs, Extra-Judicial Killings at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nangyari sa panahon ng dating Pangulong Duterte.

Bukod sa mga miyembro ng dating First Family, idinawit din ni Guban ang Chinese national na si Michael Yang.

Ayon kay Guban, si Yang ay dating Presidential Economic Adviser ng dating Pangulo.

Nauna rito, pumutok ang pangalan ni Guban sa di-umano’y kaugnayan nito smuggling ng P6.8 bilyong halaga ng shabu na ikinubli sa loob ng magnetic lifter noong 2018 sa panahon ng dating administrasyong Duterte. Kung saan, ipinahayag pa ni Guban na isa siya sa mga nakadiskubre sa naturang kontrabando.

Samantala, sa isang pahayag, itinanggi ni. Rep. Paolo Z. Duterte ang mga paratang ni Guban.

Ang buong pahayag ni Rep. Duterte:

” Hindi ko po kilala si Jimmy Guban at sigurado ako na hindi rin niya ako kilala. Wala kaming anumang transaction o ugnayan kaya walang rason na siya ay pagbantaan kung babanggitin man niya ang pangalan ko.

Nais ko pong ipa-alala sa taumbayan na ang salitang “star witness” ay humahalimbawa lamang sa mga taong nagsasalita ng katotohanan lamang at may kredibilidad.

Hindi po si Jimmy Guban ang taong yan sapagkat siya po ay na i-contempt na ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa kanyang pagsisinungaling. Klaro po na walang kredibilidad ang taong yan at walang basehan ang kanyang mga sinasabi noon pa man, kaya di ko po alam kung bakit bigla po siyang naging star witness dito.

Nais ko din po sana makita ang kanyang sinumpaang salaysay upang mapag aralan din namin ng abogado ko.”