Blythe and ricci

Andrea, dedma sa bashers: Go with the flow lang ako

Vinia Vivar May 29, 2022
287 Views

Aminado si Andrea Brillantes na masaya siya sa relasyon nila ng basketball player-boyfriend na si Ricci Rivero.

Ito raw ang first relationship niya na open sa publiko at masaya siya na maraming sumusuporta sa kanilang pagmamahalan.

“Masaya ako na sobrang excited din kasi first time kong magkaroon ng boyfriend na mas matanda sa akin, na basketball player at first time ko rin na magkaroon ng boyfriend na out sa public,” pahayag ni Andrea sa isang interview.

Bagama’t marami raw pabor sa kanilang relasyon ay may mga basher din at aminado siyang may takot din siyang nararamdaman.

“This time, hindi ko na talaga binabasa ang mga comment kasi I know na maraming mga bitter, maraming mga may nasasabi sa relasyon, doon lang ako natatakot, kasi first time ko nga ‘to na public so, hindi ko pa alam masyado i-handle.

“Eh, very clingy pa naman akong tao. So ang daming mga nagsasabing masyado kaming sweet, ganyan. Pero wala, go with the flow lang ako. Masaya lang. Ang importante lang naman is totoo kami sa isa’t isa,” sey ng aktres.

JOSHUA, MAY SAGOT SA PAGBABAWAL NI JULIA

Hindi naman itinanggi ni Joshua Garcia na talagang sinabihan siya ng ex-girlfriend na si Julia Barretto na huwag na munang mag-girlfriend.

“Palagi niyang sinasabi ’yun ’pag nagkikita kami. Sabi ko sa kanya, ‘Bakit? Ikaw lang puwede?’” natatawang sabi ni Joshua in a recent interview.

Ayon sa aktor ay okay lang naman ito sa kanya.

“Okay naman. Actually parang lahat ng naging girlfriend ko naging kaibigan ko rin naman,” sey niya.

Ipinahayag din ng aktor na happy siya for Julia na masaya ito sa piling ng current boyfriend na si Gerald Anderson.

“Oo naman. Alam mo, kung mahal mo ang isang tao, nandudu’n ka para sa growth niya. At saka kahit masakit man, pero okay na ’yun. Tapos na ’yun,” he said.