“Angas” ng China sa WPS ikinadismaya

Mar Rodriguez Jan 30, 2025
22 Views

BILANG vice-chairman ng House Committee on Transportation. Nagpahayag ng pagkadismaya si Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona dahil sa ipinapakitang “angas” ng China bunsod ng kanilang panghihimasok sa mga teritoryo ng Pilipinas bagama’t malayo na ito sa kanilang hurisdiksiyon.

Binigyang diin ni Madrona, chairman din ng House Committee on Tourism, na mistulang pambabastos na umano ang ginagawa ng China sa West Philippine Sea (WPS) sapagkat napaka-linaw na hindi nila kinikilala ang itinatakda ng international law.

Ipinapaalaala ni Madrona sa China na alinsunod sa international law. Hindi maaaring pumasok ang isang bansa sa teritoryong hindi naman nito hurisdiksiyon. Kaya dapat lamang na igalang nito ang mga teritoryong sakop ng Pilipinas o huwag ipagpilitan ang kanilang sarili sa teritoryong hindi naman nila sakop.

Sinang-ayunan din ng kongresista ang pahayag ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the WPS Commodore Jay Tarriela na malinaw na nilalapastangan ng China ang international law dahil ipinagpipilitan nito ang kanilang sarili sa teritoryong malayo sa kanilang hurisdiksiyon na inilarawan ni Tarriela bilang “barbaric and illegitimate”.

“Their threats against the legitimate presence of the Philippine conducting maritime patrols – warning that if we do not leave, they will take necessary measures and we will bear the consequences. Clearly indicate China’s desire to impose new order that undermines the rules based on international system,” paliwanag ni Tarriela.

Dahil dito, sinabi pa ni Madrona na maaaring sinasadya rin ng China ang ginagawa nitong “pangdu-duro” sa Pilipinas dahil sa kanilang paniniwala na walang kakayahan ang ating bansa na makipag-sabayan sa puwersa ng Chinese military.