Angkas Sinabi ni SMaRT-MPD chief PLt. Col. Cicero Pura na ang suspek sa panggahasa ay natimbog ng mga operatiba sa Intramuros, Manila. JONJON C. REYES

Angkas rider hinuli sa kasong gahasa, gumarahe sa selda

Jon-jon Reyes Aug 14, 2026
35 Views

NAKORNER ng mga operatiba ng MPD ang Angkas rider na suspek sa panggagahasa sa Muralla St., Brgy. 657, Zone 70, Intramuros, Manila noong Martes.

Nakilala ang suspek na si alyas Acer, 27, ayon kay PLt. Col.Cicero Pura, chief ng SMaRT-MPD.

Bandang alas-7:15 ng gabi ng damputin ang suspek.

Nahuli ng mga elemento ng Special Manila Reaction Team sa pamumuno nina PMaj. Tom Jay Fallar at PLt. Ryan Valenzuela ang suspek kasama sina PLt. Col. Cicero Pura at mga tauhan ng Gentri CCPS sa pamumuno ni PLt. Col. Archimedes Lara Baking.

Isinagawa ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa krimen na rape na inisyu ni Trece Martires, Cavite Fourth Judicial Region RTC Branch 31 Acting Judge Janice I. Andrade-Udarbe.

Dinala ang akusado sa tanggapan ng S.Ma.R.T para sa dokumentasyon at nararapat na disposisyon.