Calendar
Año: NSC binago din nina FM, Cory, FVR, GMA — Año
HINDI na bago ang pagreorganisa sa National Security Council (NSC).
Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, kailangang ireorganisa ang NSC para mapalakas pa ang pagbalangkas ng mga polisiya na nakaaapekto sa national security.
Una rito ay inilabas ang Executive Order No. 81 at tinanggal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang miyembro ng NSC ang Bise Presidente at ang mga dating presidente ng Pilipinas.
“The President’s issuance of Executive Order No. 81, s. 2024 reconstituting the composition of the National Security Council (NSC) is necessary to further enhance the formulation of policies affecting national security. The NSC is, first and foremost, an advisory body to the President, and its composition is always subject to the authority of the President,” pahayag ni Año.
Binago na rin aniya ito noon nina dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., Corazon Aquino, Fidel Ramos at Gloria Macapagal Arroyo.
Itinatag ni dating Pangulong Elpidio Quirino ang NSC noong 1950.
“Hence, the purpose of reorganization is to enhance the formulation of policies relating to national security so that actions and decisions thereon by the Presidents rest on sound advice and accurate information. It is also premised on the need for timely and coherent action to address current and emerging threats to national security,” pahayag ni Año.