Vic Reyes

Ano si VP Sara, sinuswerte?

Vic Reyes Nov 19, 2025
302 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki. Lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Iman, Saudi Arabia at iba pang panig ng mundo.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, , Roana San Jose, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God Bless sa inyong lahat!

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa: +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

***

Ang paulit-ulit na panawagan ng mga kritiko ng administrasyon na mag-resign o i-kudeta na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ay puwedeng gawing“ Joke of the Year.”

Hindi lang ito katawa-tawa kundi maliwanag na panloloko sa kanilang mga sarili dahil alam naman nilang hindi mangyayari ang gusto nila.

Bakit nila gustong matanggal si Bongbong?

Kitang-kita naman ng lahat na walang ginawa si PBBM kundi pagsilbihan ang bayan at mamamayan.

Si Pangulong Marcos pa nga ang nagpasimuno sa nationwide campaign para papanagutin ang mga lingkod-bayan na sa sangkot sa mga anomalya.

Isa pa, malapit na naman ang 2028 presidential election, na kung saan hindi na puwedeng tumakbo sa pagka-Pangulo ang Ilocanong Chief Executive.

Mas mabuting pabayaan na lang na tapusin ni Pangulong Marcos ang kanyang termino.

Ang suspetsa nga ng marami, gusto lang ng mga kritiko ni Pangulong Marcos na maupo na si Vice President Sara Duterte sa Malacanang.

Ano siya sinuswerte?

Kung gusto ni Sara na maging Pangulo ng bansa, kailangang manalo siya sa isang malinis at patas na halalan.

Tigilan na ang pagkakalat ng mga pekeng balita.

Alam naman natin na kaya kayo nanggugulo ay upang mapagtakpan ang mga kahayupan niyong ginawa sa ating bansa.

Ilang beses na ba tinangkang pabagsakin ng mga kalaban sa politika si PBBM?

Pero hindi umubra ang lahat ng mga pagtatangka.

Marami ring paninira ang ibinato nila sa First Couple para lang magalit ang mga Pinoy.

Ang mga “bomba” ng mga kritiko ay magmistulang mga “kwitis.”

Sa lahat ng “destructive critics” nina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos, mag-isip naman kayo ng ibang gimik.

Mas mainam nga, kung tumahimik na muna kayo, habang inaayos ni PBBM ang mga suliranin ng bansa.

Payag ka ba, Senadora Imee?

***

Nagkakaisa ang mamamayan na kailangan talagang tamnan agad ng punong-kahoy ang mga kinalbong parte ng ma-alamat na Sierra Madre Mountains.

Ang massive reforestation program sa nasabing mountain ranges ay gagawin na ng gobyerno at hindi na dapat ipagpaliban pa.

At lahat ng illegal loggers sa mga bundok na ito ay dapat kilalanin, arestuhin at kasuhan sa korte para huwag nang pamarisan.

Lalo na at pabagsik na ng pabagsik ang mga dumarating na bagyo sa Pilipinas dahil sa lumalalang problema ng climate change.

Panagutin din ang mga opisyal ng local government units (LGUs) na walang ginagawa para pigilan ang destruction ng Sierra Madre Ranges.

Attention Secretary Jonvic Remulla ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kastiguhin mo na ang mga pabayang concerned local government officials, kasama na ang mga opisyal ng mga barangay.