Vic Reyes

Mga epal, kritiko ng Pangulo pupulutin sa kangkungan

Vic Reyes Nov 23, 2025
543 Views

ISANG mapagpalang araw sa lahat ng ating mambabasa.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

Binabati rin natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina Ma. Theresa Yasuki, Aimi Houchii, La Dy Pinky, Patricia Coronel, Chato Coronel, Yoshiko Katsumata, Endo Yumi, Roana San Jose, Lorna Pangan Tadokoro, Hiroki Hayashi, Winger dela Cruz, at si Hiroshi Katsumata.

Ganun din kay Joanne de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman at Jess Manuel ng Saudi Arabia.

Mabuhay kayong labat!

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

***

Mabuti na lang kalmado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa mga “below the belt” na banat sa kanyang administrasyon.

Dito talaga hinahangaan si Pangulong Marcos.

Para sa kanya, ang mahalaga ay tahimik siyang nagtatrabaho para matulungan ang taumbayan.

Lalo na ang mga taong nasa laylayan ng lipunan, kagaya ng mga magsasaka, mangingisda, karaniwang manggagawa at walang trabaho.

Ang maganda ay kitang-kita ng publiko ang malasakit ng kanyang administrasyon sa kapakanan ng mga nakararaming mamamayan.

Dito siguro inis na inis ang mga “destructive na kritiko” dahil no-pansin sila kay Pangulong Marcos.

Dapat kasi, tumulong na lang kayo sa Marcos administrasyon para mapabuti ang kalagayan ng masang Pilipino.

Huwag na kayong magpa-epal dahil lumang tugtugin na yang mga pinaggagawa ninyo at hindi na kinakagat ng publiko.

Magbago na kayo dahil may panahon pa naman bago ang susunod na halalan.

Kung hindi, baka pulutin kayo sa kangkungan pagdating ng May 2028 presidential and national elections.

Tama ba kami, Pangulong Marcos?

***

Tama ang ginagawa ng Bureau of Customs (BOC), sa pangunguna ni Commissioner Ariel S. Nepomuceno, sa pagsusubasta sa mga forfeited luxury vehicles.

Makatutulong ito para madagdagan ang 2025 revenue collections ng ahensya na umaabot ng mahigit isang trilyung piso.

Hindi lang mga forfeited goods ang ipinagbibili ng BOC sa pamamagitan ng public auction.

Pati mga kumpiskadong smuggled shipments, kasama na ang mga naglalaman ng produktong agrikultura, ay isusubasta din ng BOC.

Ang mga illegal drugs naman at mga produktong nakasasama sa kalusugan ng tao ay kaagad na sinisira ng mga otoridad.

Ito ay para hindi na maipagbili pa sa merkado.