Chiz1

Anti-Smuggling Law magpapababa ng presyo ng pagkain, magpapataas kita ng agri workers — Chiz

69 Views

LAYON na mapababa ang mga presyo ng pagkain at makatulong sa maraming Pilipino sa kasalukuyan sitwasyon, iginiit ni Senate President Francis “Chiz” G. Escudero ang isang bagong batas na layuning labanan ang laganap na smuggling, profiteering, at hoarding ng mga produktong agrikultural kung saan ay ipinunto niya na makatutulong ito para mapamura ang bilihin at makapagbigay ng mas magandang kita sa mga lokal na magsasaka.

Ayon kay Escudero, ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, isang prayoridad nang kasalukuyang administrasyon ay nakatakdang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Setyembre 26, 2024, na inaasahang magpapalakas ng kakayahan ng gobyerno na habulin ang mga smuggler at mga iligal na gawain na nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka at mangingisda, gayundin sa mga mamimili.

“Isang malaking hakbang patungo sa pagpapatupad ng layunin ng pamahalaan na makapag-hatid ng murang pagkain sa bawat tahanan ang pagpasa ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act,” ani Escudero.

“Smugglers, hoarders and profiteers have long served as a monkey wrench to our efforts toward attaining food security. With this law, we are optimistic that more Filipinos will now have greater access to affordable and nutritious food,” dagdag ng Senate President.

Sa ilalim ng bagong batas, ang agricultural smuggling, hoarding, profiteering, cartel, at financing ng mga krimeng ito ay ituturing na mga gawain ng economic sabotage at may katapat na parusang habambuhay na pagkakakulong at multang tatlong beses ng halaga ng mga produktong agrikultura at pangisdaan na sakop ng krimen.

Para sa mga gawaing tumutulong sa pagsasagawa ng agricultural economic sabotage tulad ng transportasyon at imbakan ng mga smuggled goods, ang parusa ay 20 hanggang 30 taong pagkakakulong at multang doble ng halaga ng mga produktong agrikultura at pangisdaan na sakop ng krimen.

“Farmers, fisherfolk, livestock and poultry raisers, and legitimate traders have long been suffering from the operations of smugglers and other individuals and groups engaged in the manipulation of the market. With the new law, we expect to see lower food prices and better incomes for our stakeholders in the agriculture sector,” ayon kay Escudero.

“The new law sends a strong message that the government will use all its resources to hold accountable individuals and groups who engage in smuggling, hoarding, profiteering and other uncompetitive and exploitative practices in the agriculture sector.”

Sa pamamagitan ng pagtugis sa mga smuggler, sinabi ni Escudero na mapoprotektahan ang publiko mula sa pagpasok at pagkalat ng mga sub-standard o mga produktong hindi ligtas kainin.

Binigyang-diin ni Escudero na ang pagtugis sa mga smuggler ay magpapahinto rin sa nasabing batas at mas lalaki ang kita ng gobyerno. “The law will also result in improved collections by our revenue collecting agencies, which will translate to the delivery of more services to our people.”

Isang Anti-Agricultural Economic Sabotage Council din ang itatatag upang pangasiwaan ang pagpapatupad ng batas, ayon kay Escudero.

Ang konseho ay pamumunuan ng Pangulo o ng itinalagang permanenteng kinatawan, at ang mga miyembro nito ay bubuuin ng mga pinuno ng Department of Agriculture, Department of Justice, Department of Finance, Department of the Interior and Local Government, Department of Transportation, Department of Trade and Industry, ang Anti-Money Laundering Council, at ang Philippine Competition Commission.

Ang isang kinatawan mula sa sektor ng asukal, bigas, mais, livestock at poultry, gulay at prutas, pangisdaan at iba pang produktong pang-dagat, at tabako ay magiging bahagi rin ng Konseho na itatatag sa pagbuo nito.