Martin2

Aral ng Yolanda gabay ng bansa sa pagharap sa kalamidad

210 Views

NAGSISILBI pa rin umanong gabay sa pagharap ng bansa sa mga kalamidad ang mga aral na natutunan sa pananalasa ng super typhoon Yolanda siyam na taon na ang nakakaraan.

Kasabay ng pagkilala at pagdarasal sa mga nasawi, sinabi ni Speaker Martin G. Romualdez na patuloy nitong kinikilala ang mga first responder na nagpakita ng hindi matatawarang kabayanihang para saklolohan ang mga biktima.

“As we commemorate the ninth anniversary of Yolanda that battered the country, most especially Eastern Visayas, we honor and offer prayers to those who perished during this unfortunate event, as we raise our glasses to the brave souls, our first responders, who put the lives of others above their own during the onslaught of the super typhoon,” sabi ni Romualdez.

Ang ipinapakita umanong katatagan ng bansa sa pagharap sa mga kalamidad ay bahagi ng sakripisyong ipinamalas ng mga first responder, ang pagkakaisa at pagmamalasakit ng mga Pilipino sa isa’t isa.

“While it is very difficult to forget the horrors we faced during Yolanda, the important thing is we learned from this harrowing experience. And if we learned from this tragedy, we continue to honor those who perished and those who willingly sacrificed their lives for the benefit of others,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Ang Yolanda ay isang Category 5 typhoon at isa sa pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan ng mundo. Sinira nito ang malaking bahagi ng bansa partikular sa Eastern Visayas noong 2103.

“We have recovered fully from Yolanda, and this is a testament to the Filipinos’ resiliency. Whatever calamity we will face – and surely there will be in the future – we can overcome because of this resiliency and our sincere compassion toward our fellow Filipinos,” sabi pa ni Romualdez na kinatawan ng Leyte, isa sa mga probinsya na sinira ng Yolanda.

Kamakailan ay pinangunahan ni Romualdez ang isang donation drive at nakalikom ito ng mahigit P75 milyong cash at in-kind donation para sa mga nasalanta ng bagyong Paeng.

“Kaya malapit sa puso namin ang pagtulong sa panahon ng kalamidad, dahil kami mismo ay recipient ng nag-uumapaw na compassion mula sa maraming tumulong sa amin noong panahon ng Yolanda. Compassion is what we Filipinos will never run out of,” ani Romualdez.

Kasama ni Romualdez sa donation drive sina Tingog party-list Reps. Yedda Romualdez at Jude Avorque Acidre, House Committee on Appropriations chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, at iba pang lider ng Kamara.

“But the real heroes behind our recovery from every calamity are really our first responders and rescue workers. Sila ang nagri-risk ng kanilang buhay para sa kaligtasan ng iba. They are the true heart and soul of our resilience,” dagdag pa ni Romualdez.