Calendar

Archbishop Charles John Brown, Apostolic Nuncio to the Philippines, mainit na sinalubong ni Madrona
NAGING mainit ang pagsalubong ng Local Government Unit (LGU) ng Romblon kay Archbishop Charles John Brown, Apostolic Nuncio to the Philippines, sa pangunguna ni Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona at iba pang Clergy mula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan.
Nagkatipon-tipon ang mga lokal na opisyal ng Romblon matapos ang ginanap na mainit na pagsalubong kay Archbishop Brown upang magkaroon ng “solemn blessing” ng D’Presbytery Bahay-Pari.
Bukod kay Madrona, kabilang din sa mga sumalubong kay Archbishop Brown sa Barangay Bachawan, San Agustin ay si Most Rev. Narciso V. Abellana, MSC, D.D. ang Bishop ng Romblon habang andun ang presensiya ng mga lokal na opisyal ng Romblon.
Ayon sa kongresista, ang makasaysayang okasyon ay kauna-unahang pagkakataon na ang isang Apostolic Nuncio ay bumisita sa Romblon Island. Kung saan, maituturing ito na napakahalagang kaganapan para sa mga Katoliko sa nasabing lalawigan.
Sabi ni Madrona na ang pagbisita ni Archbishop Brown sa Romblon ay labis nilang ikinagagalak sapagkat ang Apostolic Nuncio ay ang representante ng Santo Papa sa Pilipinas bilang mataas na Diplomat ng Vatican.
“They manage relations between the Holy See and the host nation while supporting the local church,” paliwanag ni Madrona.
Ipinahayag pa ni Madrona na ang D’Presbytery Bahay-Pari ang magsisilbing sangktuwaryo para sa mga retirado at may sakit na mga Pari sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng matitirhan at lugar upang sila ay maalagaan.