Calendar
Australia magbubuhos ng $20M investment sa PH
NASA $20 milyong investment ang ibubuhos ng Australia ss Pililinas.
Bunga ito sa dalawang araw na state visit ni Pangulong Marcos sa Canberra, Australia.
Layunin ng proyekto na masuportahan ang PIlipinas sa reporma nito sa justice system.
Sa isang press statement mula sa tanggapan ni Prime minister Anthony Albanese, na ang ugnayan ng Pilipinas at Australia ay mas pinalakas pa ng close personal connections, kabilang dito ang mahigit sa 400,000 Australians sa filipino heritage na nagbigay ng magandang kontribusyon sa modern multicultural Australia.
Pinuri rin ni Albanese si Pangulong Marcos dahil sa produktibong diskusyon na nakasentro lang sa close collaboration bilang strategic partners.
“We are ambitious for what we can achieve together and I’m pleased we are working actively to build a peaceful region where international law is respected and waterways are open for trade,” pahayag ni Albanese.
Iginiit pa ni Albanese na ang strategic partnership sa Pilipinas ay key pillar na commitment para mas maging matatag pa ang ugnayan sa rehiyon.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na ang Piipinas at Australia at mariing tinutulan ang “clearly denigrate the rule of law” kasabay ng paghingi ng suporta para tugunan ang mga hamon sa Indo-Pacific region.