Wong

Australia tutulong sa pagpapa-unlad ng PCG

120 Views

INANUNSYO ng Australia ang pagbibigay ng maritime cooperation initiative package sa Pilipinas upang mapa-unlad ang Philippine Coast Guard (PCG).

Ginawa ng Australia ang anunsyo matapos ang bilateral meeting nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Australian Foreign Minister Penny Wong na bumisita sa bansa.

Ang tulong ng Australia ay bukod pa sa AU$10.95 milyong pangako nito para sa pagtatayo ng Pilipinas ng bagong immunization information system at mapalakas ang laboratory network and surveillance system ng bansa.

Nais din umano ng Australia na mapatatag ang pakikipag-ugnayan nito sa mga Pilipino sa pamamagitan ng Work at Holiday Visa Arrangement.

“The Secretary and the Minister looked forward to the convening of the 6th Philippines-Australia Ministerial Meeting (PAMM) by their Foreign Affairs and Trade Departments to be held in Australia in the fourth quarter of 2023,” sabi ng joint statement na inilabas sa bilateral meeting.