Patay

Away negosyo nauwi sa pamamaril, mag-dyowa dedo

Gil Aman Aug 14, 2024
41 Views

PATAY ang negosyanteng mag live-in partner matapos barilin ng kapwa negosyante Martes ng hapon sa Bgry. Nanguma, Mabitac,Laguna.

Sa ulat ni P/Major Gerry Guevarra Malipol, hepe ng Mabitac Police kay Laguna PNP Provincial Director PCol Gauvin Mel Unos, kinilala ang nasawing mag live-in partner na sina William Talisik ,52, at Margie Serrano, 50, at residente ng Mabitac,Laguna.

Ayon sa pulisya, nasawi ang mga biktima sanhi ng malubhang tama ng bala sa kanilang katawan.

Nagsasagawa na ang pulisya ng kanilang follow-up operation upang madakip ang suspek.

Base sa isingawang imbestigasyon naganap ang pamamaril alas 4:15 ng hapon sa mismong tahanan ng suspek .

Sinabi ng pulisya na nagtungo sa bahay ng suspek ang mag-live partner upang kumprontahin hinggil sa kanilang negosyo na handcrafted rattan products.

Nauwi sa maititan pagtatalo ang pagkikita kung saan hinampas umano ng lalaking suspek ang suspek na pumasok sa loob ng kanyang bahay.

Nang lumabas ng bahay ang suspek ay may bitbit na umano itong baril at pinaputukan ang mga biktima.