PBBM

Ayuda ni PBBM sa mga biktima ng mga bagyo sa Vizcaya aabot ng P52M

Chona Yu Nov 22, 2024
40 Views

AABOT sa P52 milyong ayuda ang ibinigay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga biktima ng bagyong Nika, Ofel at Pepito sa Nueva Vizcaya.

Personal na iniabot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tsekeng nagkakahalaga ng P52 milyon kay Governor Jose Gambito.

Galing aniya ang pondo sa Office of the President

Binisita ng Pangulo ang lalawigan para personal na makita ang lawak ng pinsala ng bagyo at para kumustahin ang mga residente.

Nagsagawa ito ng aerial inspection at tiningnan ang nasirang bypass road sa Bambang.

Sa kanyang mensahe sa distribusyon ng ayuda, muling tiniyak ni Pangulong Marcos na aalayan ng pamahalaan ang mga komunidad na sinalanta ng kalamidad at mga apektadong pamilya hanggang sa tuluyang makabangon ang mga ito.

Batay sa tala ng lokal na pamahalan, nasa higit 5,200 pamilya ang apektado ng nagdaang bagyo sa Nueva Vizcaya.

Mayroong pitong nasawi sa landslide sa nangyaring landslide sa Bayombong habang libo-libong bahay ang sinira ng bagyo sa lalawigan.

“Kaya po ito lahat ay pinagsasama-sama natin kasi ang aming gagawin ay mula ngayon, we will continue to distribute itong relief goods hanggang hindi na nangangailangan ang ating mga kababayan, ang mga tiga-Vizcaya,” pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa bayan ng Bambang.

“Tuloy-tuloy ‘yan hangga’t makabalik na kayo sa inyong tinitirahan at kaya na ninyong bumalik sa dati ninyong buhay,” dagdag ng Pangulo.