Calendar
Azurin kasama pa rin sa imbestigasyon ng DOJ
KASAMA pa rin sa imbestigasyon ng Department of Justice si dating Philippine National Police (PNP) Chief Rodolfo Azurin
kaugnay sa tanim ebidensiya sa P6.7 bilyong shabu.
Ginawa ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang pahayag matapos kasuhan ang 30 miyembro ng PNP kabilang ang dalawang heneral.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang sinabi ni Remulla, na hindi nakasama si dating PNP Chief Azurin sa kinasuhan ng administration dahil retirado na ito noong panahon na naghe-hearing sila.
Sa kabila nito, nilinaw ni Remulla na hindi naman lusot si Azurin sa kasong kriminal na ikinakasa ng DOJ.
Ayon kay Remulla. mayroong grand conspiracy sa kaso sa pagtatanim ng ebidensya sa pagitan ng may 30 pulis at dalawang heneral na sina Lt. General Benjamin Santos Jr., Brigadier General Narciso Domingo, at 28 iba pa.
Paliwanag ni Remulla, malinaw na nagkaroon ng sabwatan sa krimen para gawin ang kaso dahil kung susuriin ang kaso mula sa sarhento hanggang sa chief PNP ay kasama lahat sa kwento.
“There seems to be a grand conspiracy to conceal a criminal enterprise, tingnan n’yo ang kaso from sa seargeant to PNP Chief kasama lahat sa kwento,” pahayag ni Remulla.
Nangyari ang nasabing insidente noong Oktubre 22 sa Tondo Manila.