Bala

Babae nakitang patay, may tama ng bala sa loob ng SUV

Gil Aman Sep 25, 2025
692 Views

Camp Vicente Lim, Calamba City — Natagpuang wala ng buhay ang isang babae na hinihinalang binaril sa loob ng Sports Utility Vehicle (SUV) ng hindi kilalang suspek habang nakaparada sa Spine Road, Brgy. Anastacia, Sto Tomas City, Batangas madaling araw ng Sept. 25, 2025.

Tanging Alias Kimberly ang ang pagkakakilanlan sa biktima ng ito ay madiskubre na may tama ng bala sa bahagi ng driver’s seat na puting Isuzu MU-X (NGB 2137).

Ayon sa ulat ng Sto Tomas police station, ang sinasakyang van ng biktima ay tinamaan din ng bala.

Isang security guard ang unang nagbigay sa impormasyon sa pulisya hinggil sa pagkatagpo sa biktima dakong 3:35 ng madaling araw.

Ang biktima ay dineklarang dead on arrival sa St. Cabrini Medical Center.

Nananatiling blangko ang pulisya sa motibo at suspek sa likod ng krimen.