Calendar
Babaeng biktima ng human trafficking naharang ng BI sa NAIA
NAHARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang babaeng biktima ng human trafficking na sinasabing nakatakdang sumailalim sa isang IVF procedure noong Enero 14.
Ang 34-taong-gulang na biktima, na ang pagkakakilanlan ay hindi isiniwalat alinsunod sa anti-trafficking laws, ay nagtangka sanang sumakay ng Turkish Airlines flight patungong Cyprus.
Una niyang sinabi na siya ay naglalakbay nang mag-isa para sa isang leisure trip ngunit naharang matapos na hindi sinasadyang magpakita ng imbitasyon mula sa isang IVF clinic, na salungat sa kanyang pahayag.
Lumabas sa imbestigasyon na pumayag ang biktima na maging surrogate para sa isang taong nakilala niya sa isang dating app, kapalit ng pangakong ₱300,000 na bayad matapos ang panganganak.
“The scheme continues to thrive, leading to a rise in online offers for surrogacy or IVF-related services, with victims often coerced into passing certain laboratory assessments,” sabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado. “We warn females not to be tempted to agree to such schemes as this is a clear form of trafficking,” dagdag niya.
Ang biktima ay itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa tulong.