Martin2

Babala ni Speaker Martin G. Romualdez laban sa mga rice smugglers at hoarders kinakatigan ni Valeriano

Mar Rodriguez Sep 4, 2023
131 Views

KINAKATIGAN ng Chairman ng House Committee on Metro Manila Development na si Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano ang ibinigay na babala ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez laban sa mga rice smugglers at hoarders na hindi sila tatantanan ng Kongreso.

Nauna rito, nagbabala si Speaker Romualdez laban sa mga rice smugglers at hoarders na magiging walang puknat ang kampanya ng Kamara de Representantes laban sa mga rice smugglers at hoarders.

Dahil dito, binigyang diin ni Valeriano hindi dapat lubayan ng Mababang Kapulungan ang nasabing usapin sapagkat kinakailangan na umanong tuldukan ang problema na nagpapahirap sa mamamayang Pilipino.

Muling iginigiit ni Valeriano na dapat kasuhan ng “economic sabotage” ang mga sangkot sa smuggling at hoarding ng bigas partikular na ang mga rice traders na natuklasan o nabuking nina Romualdez sa San Juan Balagtas, Bulacan na iniipit sa kanilang mga bodega ang napakaraming bigas.

Ipinaliwanag pa ng kongresista na kung talagang magmama-tigas ang mga rice traders at ayaw nilang makipag-tulungan sa gobyerno ay nararapat lamang na sampahan sila ng kaso upang magsilbing halimbawa laban sa iba pang “unscrupulous” mga negosyante ng bigas.

Sinabi ni Valeriano na solido at matatag ang suporta ng Kongreso sa adhikain ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na maging stable presyo ng mga bigas sa merkado kasunod ng vision ng Punong Ehekutibo na magkaroon ng sapat na supply ng bigas sa Pilipinas sa darating na hinaharap.

Nauna ng ipinahayag ni Valeriano na na kitang-kita mismo kung papaano iniipit ng mga rice traders mula sa FS Mill at Intercity Industrial Complex, San Juan Balagtas, Bulacan ang napakaraming supply ng bigas sa kanilang mga warehouse upang mas mapataas nila ang presyo nito sa merkado.

Ipinaliwanag ng mambabatas na dahil sa pangyayaring ito. Ang mga pobreng Pilipino umano ang labis na napeperwisyo at naaapektuhan ng ginagawang hoarding ng mga tusong rice traders. Bunsod ng kanilang kagustuhang kumita ng malaki hindi na bale aniyang magdusa ang maraming mamimili.

“Tama lamang na kasuhan ang mga tusong rice traders na iyan. Sapagkat napakalinaw na ang ginagawa nila ay very unscrupulous, hindi na nila isina-alang alang ang kapakanan ng mga mamimili. Dapat lamang na kasuhan sila para makita nil ana seryso ang gobyero na puksain itong laganap na rice smuggling sa ating bansa,” paliwanag ni Valeriano.