Michelle Mae Gonzales Makikitang nanunumpa sa kanyang tungkulin bilang NYC commisioner-at-large si Michelle Mae Gonzales kay Executive Secretary Lucas Bersamin. Source: Malacanang

Michelle Mae Gonzales bagong pinuno ng NYC

Chona Yu Aug 17, 2024
71 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Michelle Mae Gonzales bilang bagong commissioner-at-large ng National Youth Commission (NYC).

Papalitan ni Gonzales si NYC commissioner-at-large Laurence Anthony Diestro.

Nanumpa na sa tungkulin si Gonzales kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa Malakanyang.

Nilagdaan ang approintment paper ni Gonzales noong Agosto 12.

Tatlong taon ang termino ni Gonzales.

Ang NYC ay policy-making body sa lahat ng youth-related institutions, programs, projects at aktibidad ng gobyerno.