PAGASA

Bagyong Inday lalong lumakas

236 Views

MAS lalo pang lumakas ang bagyong Inday habang kumikilos sa Philippine.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo ay nasa typhoon category na.

Ang bagyo ay wala umanong direktang epekto sa bansa subalit pinalalakas nito ang Hanging Habagat na siyang nagdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Inaasahan umano na magtutungo ang bagyo sa direksyon ng Taiwan. Sa Lunes ay inaasahang daraan ito malapit Miyako o Yaeyama Islands at lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes o Miyerkoles.

Sa paglapit nito sa Taiwan ay sasalubungin ito ng malamig na hangin kaya inaasahan ang paghina nito.