Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Sunog

Bahay nasunog; lola todas

303 Views

NASAWI ang 73-anyos na lola matapos masunog ang ikatlong palapag ng kanilang bahay sa Quezon City noong Miyerkules.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-4:09 ng hapon nagsimula ang sunog sa bahay ng biktima sa Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Alexiss Mace Jurado, ginising ng pamangkin ang anak ng biktima at ipinaalam na nasusunog ang ikatlong palapag ng kanilang bahay.

Agad na umakyat ang anak at nakita ang kanyang ina na sinusubukan pang patayin ang apoy.

Bumaba umano ang anak upang humingi ng saklolo sa mga opisyal ng barangay at sa mga bumbero.

Rumesponde ang mga tauhan ng Novaliches Fire Department kasama ang humigit kumulang 15 fire trucks upang patayin ang apoy subalit hindi na nailigtas pa ang matanda.

Naapula ang apoy alas-4:26 ng hapon at doon natagpuan ang sunog na katawan ng biktima.