Calendar
Dizon sa nagcounterflow sa Skyway, lisensiya perpetual revocation
HABAMBUHAY nang hindi makapagmamaneho ang driver na nahuling nag-counterflow sa Skyway matapos ipag-utos ni Transportation Secretary Vince Dizon ang perpetual revocation ng lisensya nito.
Ang pagkansela sa lisensya ni Jake Nazareno ayon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panagutin ang mga iresponsable at reckless na driver upang masigurong ligtas ang kalsada para sa lahat ng road users.
Paliwanag ni Transportation Secretary Vince Dizon, dumating kahapon si Nazareno sa LTO upang pagpaliwanagin sa insidente at lumabas na lasing ang driver nang makunang nag-counterflow sa Skyway.
“Hindi pwede ‘to. Lasing ka na nga, tapos nag-counterflow ka pa sa Skyway, at muntik ka pang makapatay dahil sa ginawa mo,” ani Secretary Dizon.
Bukod sa perpetual revocation, mahaharap din sa kasong Anti-Drunk Driving at Reckless Driving ang naturang driver.
“Let this serve as an example to our motorists. The President, the government is serious about keeping people safe on the roads,” giit ni Secretary Dizon.

